Martes, Oktubre 7, 2014


I . Bilugan ang tamang titik ng tamang sagot.

1.O, pagsintang labis ang kapangyarihan, sampung mag-aama’y iyong nasasaklaw. Pag ikaw ang ‘nasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
a.Pagtawag
b.Personipikasyon c.Aliterasyon


 2. Umaatungal ang langit sa paparating na sigwa.
a.Pagpapalit-tawag b.Eksahirasyon c.Personipikasyon d Metafor


3. Ang taong iyan ang nag-angat sa kanya sa putikan.
a.Metafor b.Simili c.Pagpapalit-tawag d.Eksahirasyon e.Paralismo


4. Nagliliyab ang mga mata ng binata sa kahahabol ng tingin sa magandang babae.
a.Eksahirasyon b.Retorikal na tanong c.Pagtatambis d.Pag-uuyam


5. Parang apoy na kumakalat ang pagdedeyt ni Pinoy kay Liz,
a.Simili b.Pagtawag c.Metafor d.Pag-uulit


6. Naninikluhod ang langit para sa kapayapaan.
 a.Pagtawag
b.Personipikasyon c.Aliterasyon

7. Maraming uban na ang nakahimlay sa libingan ng pagkalimot.
a.Eksahirasyon b.Retorikal na tanong c.Pagtatambis d.Pag-uuyam

8.  Langit ang tahanang ito.
 a.Metafor b.Simili c.Pagpapalit-tawag d.Eksahirasyo e.Paralismo

9. Ang mahina at malakas ay nagtutugma sa larangan ng isports.
 a.Simili b.Pagtawag c.Metafor d.Pag-uulit

10. .Iigpaw, iikot, iilalim, iibabaw, iigtad ang alaala at salamisim ng iyong kataksilan.
 a. Eksahirasyon b.Retorikal na tanong c.Pagtatambis d.Pag-uuyam

II. Magbigay ng limang tayutay at subuking ibigay ang bawat kahulugan at magbigay ng kaukulang halimbawa nito.










Walang komento:

Mag-post ng isang Komento